Camille Cruz, ACL Injury, Year 2012

  • REPOST
  • CREDIT

LINK : http://plaridel.ph/?p=658

TWITTER :  @Plaridel_DLSU

Disyembre 2, 2012 | Isports

Mark Albert de Silva at Xavier Pablo

MALAKING kawalan para sa De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang muling pagkawala ni sophomore Camille Cruz sa line-up para sa darating na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 75 volleyball tournament. Muling na-injure ang kaliwang tuhod ni Cruz kaya hindi muna palalaruin ngayong taon ang naturang Lady Spiker.

Isang Anterior Cruciate Ligament (ACL) Tear ang natamong injury ni Cruz matapos ang kanyang masamang pagkakabagsak nang tangkaing makapuntos sa isang tune-up game nito lamang Setyembre. Kinumpirma naman ito ng kanyang doktor matapos ang ginawang check-up sa kanyang tuhod.

Kinailangnan ding operahan si Cruz noong Oktubre upang muling makondisyon ang kanyang pilay na tuhod. Kasalukuyan naman siyang sumasailalim sa isang rehabilitation na tatagal nang walong buwan dahilan upang mabangko siya sa kabuuan ng torneo. “Maraming tao ang tumutulong sakin at nagmo-motivate para makabalik and pag-sipagan ang rehab,” paliwanag ni Cruz.

Matatandaang unang nakuha ni Cruz ang naturang injury matapos ang maling pagbagsak sa isang bahagi ng laban ng DLSU kontra Far Eastern University sa unang yugto ng mga laban sa UAAP 74. Bunsod nito, anim na buwang naupo sa bench si Cruz bago muling payagang makapaglaro para sa Taft-based squad. “I just felt that my situation will not be easy pero I know na makakabalik ako in time,” pagpapatuloy ni Cruz.

Ayon naman kay Lady Spikers head coach Ramil de Jesus, gagawin pa rin ng kanyang koponan ang lahat ng kanilang makakaya upang depensahan ang kanilang korona sa kabila ng pagkawala ni Cruz sa hanay ng mga manlalaro.

“Kung makakapaglaro lang sana siya (Cruz), at least lalalim ‘yung bench namin. Problema ngayon ng team ‘yung pagpuno sa position na open spiker. Kulang kasi kami sa position na ‘yun,” paliwanag ni de Jesus.

Dagdag pa niya, papasok sa nabunging starting line-up ng Lady Spikers si transferee Wensh Tiu na nagmula sa De La Salle University – Dasmarinas. “Kung tatanungin ako kung makakaapekto ba ‘yun (pagkawala ni Cruz), makikita lang natin ‘yan sa darating na games [sa UAAP 75],” pagtatapos ni de Jesus.

 

INFORMATIONS ABOUT ACL(Anterior cruciate ligament) INJURY please visit http://en.wikipedia.org/wiki/Anterior_cruciate_ligament

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s